in cooperation with

and

 

PEBA 2012 INTERNATIONAL BLOG and PHOTO AWARDS is brought to you by:

SSS PHILIPPINES, Smart IDD by Smart Communications, The Manny and Cynthia Villar Foundation


 

Pasakalye Sa Tag-araw

By: Ms. N



Our Cover: Long stretch of white sand, calm ocean, blue, blue sky—these are almost synonymous to summer fun. And summer fun is synonymous with being in the company of nature as well as enjoying blissful time with family and friends. Photo was taken by Miss N in the uninhabited White Island, a 5 to 10 minutes boat ride from mainland Camiguin.


Summer na! Nagbubunyi ang langit sa masiglang kulay na asul habang mahinhin itong sinusuyod at kinikiliti ng mala-bulak na mga ulap. Sa lupa, ramdam ng mortal na balat ang kakaibang init ng halik ng haring araw. Hatid ng init ang daluyong ng masasayang mga alaala — mga maliliit na piraso ng langit — sa panahon ng tag-araw.

Ang maingay na panahon ng agawang base, taguan, at takbuhang sumubok sa kakayahan ng tsinelas na goma.

Ang masiglang pagtatampisaw sa mga lawa at ilog, ang pamimingwit, ang pamamangka.

Ang maigting na pag-aagawan sa laspag na duyan na kaakit-akit pa ring sakyan.

Ang masuyong haplos ng hangin na sumusundo sa mga paa patungo sa dalampasigan, kung saan naghihintay ang mga nakangiting kamag-anak na naghahanda ng pagsasaluhan.

Ang mapag-anyayang malamyang hampas ng alon ng dagat sa dalampasigan.

Ang namaos na lalamunan sa pagkanta sa videoke sa mga reunion at pistahan.

Ang matatamis na ngiti at maiinit na yakap na pasalubong sa mga nagbabakasyon na balikbayan.

Ang matiyagang paghihintay sa pagdaan ng mamang sorbetero sa kanto, at ang pananabik na matikman ang sorbetes bago pa matunaw ito.

Ang tanghaling paggising sapagkat wala nang pasok ang mga batang nakasanayan nang ipaghanda ng baon sa eskwela.

At ang paghimlay ng araw sa kanluran, ang pagsalisi ng gabi, at ang pagdiriwang ang mga tsimoso at tsismosa sa labas ng bahay, sa ilalim ng kahaliling liwanag. Kwentuhang walang humpay, kasabay ng pag-awit ng mga kuliglig sa gabing pangko ng punong mangga ang buwan.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga larawang kaakit-akit na iginuguhit ng panahon ng tag-init, mga larawang patuloy nating minamahal, binabalikan, ipinagdiriwang, at iniingatan. Ito ay dahil ang summer sa Pilipinas ay panahon ng pagtatampisaw sa saya, ng pagtupad sa mga pangako at pagtanaw sa pag-asa, ng mga paglalakbay, ng pagsalubong sa buhay, ng pakikipag-isang dibdib sa kalikasan, at ng muling pakikipagniig sa lupang pinagmulan.

Ang ikatlong isyu sa taong kasalukuyan na ito ng Kablogs Journal ay nagpupugay sa pagdating ng summer ng 2011 at sa mga alaala at karanasang ihahatid nito. Halika at sabay-sabay nating salubungin ang sayang dala ng summer!

► About the Author:
Ms. N is a happy simple woman celebrating a happy simple life. She's a lover of nature, words, dogs, children, and friendly people. She'd love it if you could say hi and also celebrate life with her at www.nortehanon.com

► See sidebar for list of articles this month

3 Reactions:

Kenji said...

Sa intro a lang nangingilid na ang luha ko, mas lalo pa sa mga tagalog na description.

The Psalmist said...

Thank you so much Ms. N! for this intro!
Napasaya mo ako sa pagsalubong ng Summer!
Have a summer full of fun!

Bhing said...

Thanks Ms. N. we appreciate it so much.

Post a Comment