"Ito ay sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan, naroroon din ang inyong mga puso." (Luke 12: 34/ Matt 6:21)
Sa tuwing darating ang buwan ng Pebrero (February), ang mga bulaklak na kahit halos doble o triple ang presyo ay bentang-benta sa mga tao. Ang mga pasyalan ay hindi mo na halos mahulugan ng karayom sa dami ng mga pares ng mga taong nais na ipagdiwang ang araw ng mga puso. Di rin pahuhuli at napupuno naman ang mga motel ng mga baliw sa pag-ibig. Bumabaha ng mga pusong-pula na tila parol ng Pebrero.
Saan ka man naroroon, mapa-Pilipinas o ibang bansa marami ang nagdiriwang ng araw ng mga puso. Maging dito sa bansa ng mga Arabo ay naging talamak ang pagbili ng mga bulaklak o alinmang bagay na kulay pula. Nitong nakaraang tatlong taon lamang, sila ay nagmasid at ipinagbawal ang alinmang patungkol dito sa tuwing darating ang ika-14 ng Pebrero.
Pero ito ang tanong sa ating sarili - "Ano nga ba ang tinuturing na yaman ng ating puso?" Sino o ano nga ba ang higit nating pinahahalagahan? Kahit hindi ako naniniwala sa araw ng mga puso ay nalalaman ko kung ano at sino ang nararapat kong pahalagahan o pag-ukulan ng pagmamahal.
Dati rin naman akong nakipagdiwang ng araw ng mga puso. At minsan ko na ring pinag-bigyan ang puso ko sa mga ganitong pagkakataon. Binuksan ko na ang puso ko ng maka-ilang ulit para sa mga babaing aking napusuan -pero di naman iyon sabay-sabay (di naman ako salawahan o satluhan).
Ang paalala ko lang sa mga magdiriwang nito ay, hindi porke araw ng mga puso ay di mo na papansinin ang iyong utak. Walang pinipiling panahon ang pag-ibig, araw man ito ng puso o hindi kaya kung mahal ka ng isang tao, hindi dapat sa panahong ito lamang.
Hindi nga ba't totoo naman? Kung nasaan ang ating yaman ay nandoon din ang ating puso? Kung ano ang lubos nating pinahahalagahan ay siya rin nating itinuturing na yaman. Bakit mo nga naman uubusin ang oras mo kung ito naman pala ay walang halaga sa'yo?
Kung ikaw man ay iibig, di ba’t magandang maging katangian ng ating mamahalin o natin ang pagpapahalaga sa mga sumusunod:
Diyos / Panginoon
Wag nating kalilimutan ang takot natin sa Diyos. Alalahanin natin na tayo ay hubad sa harap ng Diyos, wala tayong tagong buhay sa Kanya. Nalalaman Niya ang lahat. Di naman Niya ipinagbawal na ipagdiwang ito pero dapat wag tayong makalimot na ang Diyos ang siyang nag-imbento ng pag-ibig at siya ang pag-ibig ("Ang hindi umiibig ay hindi nakakilala sa Diyos dahil ang Diyos ay pag-ibig." 1 John 4:8).
Pamilya
Wag kalilimutan ang bilin ng Lola, Lolo, Nanay o Tatay at kung sino-sino pang nagmamalasakit sa iyo. Ang pinakamagandang payo ay laging nagmumula sa ating pamilya. At kung ikaw ay pamilyado, ang asawa natin dapat ang ating kasama o ang buong pamilya at wag kung sino-sino (sige ka! baka iba din kasama ng asawa mo).
Sarili
Respeto sa sarili ay dapat din. Kung di mo nire-respeto ang sarili mo ay hindi ka rin rerespetuhin ng iba. Ang pagpaparaya mo sa sarili ay nagpapakitang wala kang respeto sa iyong sarili at marami ang naghihintay ng ganitong pagkakataon. At kung mapagparaya man ang iyong mamahalin, panatag ba ang loob mong mahalin siya?
Kung ang taong mamahalin mo ay may angking katangiang nagpapahalaga sa Diyos, pamilya at sa kanyang sarili ay nasisiguro kong mamahalin ka ng tunay at pahahalagahan ka nito sa oras na ikaw ay maging bahagi ng kanyang puso.
God bless po sa inyong lahat.
4 Reactions:
timely piece para sa mga nakakalimot ng TAMA at kalugod lugod sa kanya :)
Thanks for sharing Noel!
Thanks. Pwede paki-edit at paki-bold yung Diyos/Panginoon.
God bless.
everyday is puso day!!! regardless of what occasions are there.
this is a very nice reminder Noel. Sana maging regular ka na dito.
Post a Comment