Paraisong kailanman hindi nawawaglit sa isipan at kalooban,
Kahit nakapikit buong kaganapan nakikita, binabalikan,
Pambihirang pintig, pintig ng puso nararamdaman,
Ito ba'y tunay, lantay at busilak sa kaputian.
Ang pag-ibig daw tulad ng lagay ng panahon,
Hindi laging maaliwas, may masaya at malungkot,
Biglang darating ang unos, magiging malakas na bagyo at salot,
Malaking kapinsalaan sa katauhan idudulot.
Ang tunay na pag-ibig daw walang sinisino o kaya'y sinasanto,
Walang hustong sukatan, basehan o kaya'y pamantayan,
Hindi kinakahiya kung ito man ay tama o may kamalian,
May paninindigan, handang makipaglaban kung kinakailangan.
Sabi naman ng iba, ang pag-ibig daw,
Walang matanda't bata, walang mahirap o mayaman,
Walang matalino, walang may pinag-aralan,
Lahat pantay-pantay nagiging mangmang.
Sa dalawang nag-iibigan lahat pwedeng harapin,
Walang alinlangan, malinis ang hangarin,
Namumutawi sa mga labi laging sinasambit,
Sapagkat wagas na pag-ibig ang siyang ginigiit.
Una, pangalawa o huling pag-ibig nadarama,
Mas matamis daw ang pag-ibig sa unang pagkikita,
May challenge, thrill kumbaga,
Ngunit babae at lalake opinyon magkaiba,
Gusto ng babae huling pag-ibig , gusto naman ng lalake unang pag-ibig sila.
Nang dahil daw sa pag-ibig masunuring anak sumusuway,
Pangaral ng magulang isinasantabi nakakalimutan,
Pag-ibig daw kasi nakakaaliw, nakakasira ng kamalayan,
kapag tumimo sa puso daig pa ang masahol na droga,
nakakalunod, nakakamatay,
Kapag nabigo naman daig pa ang lantang gulay.
May hibang din daw na pag-ibig,
Nagsasama walang basbas ng sagradong kasal,
Relasyong 'di dapat, pag-ibig na bawal,
Kapag bumalik sa tunay na bahay, magkukubli sa kasabihang
"ako'y natukso at tao lamang"
May pag-ibig bang matino o di kaya'y makasalanan?
May pag-ibig bang nasisilaw sa ginto at materyal na bagay?
May pag-ibig bang handang magtiis at mag antay?
Ito ba ang maskarang ating nilalanguyan?
► About the author: Bhing is an OFW, as Caregiver based in Taiwan. A Top 7 Blog Winner of PEBA 2010 on her official entry entitled "Pagsasalamin sa Salitang Pamilya". She writes poems and poetries via her blog Gumamela sa Paraiso. She is now the new Editor-in-Chief and regular columnist for TKJ.
12 Reactions:
Wow Congratulations ate Bhing… nandito lang po to support!
@Kiko, thank you. let's help each other para sa ikagaganda ng TKJ.
goodluck to all of us!
WOW,galing naman talaga ng agom ko...pagpatuloy mo lng yn dto lng ako...lge naka support saiyo love u so much mwah! love you always
rhonel r.
thanks.cheesy p rn khit dito.
sis bhing cograts ha,,,napakaganda naman nilalaman ng iyong mensahe..mukhang malalim pinagkahugutan....god bless po
@ Taipeiboy, thanks for dropping by. I hope maging regular visitor ka na ng TKJ. (lalo na ang mga listeners ng Bantay-OFW.
Salamat!
Dapat dito ipini-print sa stationary hehehe! tapos pa-frame hehe!
Mamaya ko itutuloy - medyo maikli kasi at wala akong stationary sa tabi ko para doon ko i-print sana hahaha!
kabog ang post na 'to bhing. haha! pasok sa lahat ng klase ng pag-ibig. parang na-experience ko lahat yan ah! ang galing...congrats and happy Valentine! :)
@ Noel, papaprint ba? hingi tau kay Kiko ng tips. haha!
@enjoy, lahat yan naexperienced mo na. Kabog mo lahat :)
Thanks sa support!
@Bhing @Noel copy paste ko na, iayos ko sa frame para ma post sa FB hehehe… lagyan ko ng background and styled font
@ Kiko, wow, galing nmn. thanks!
Post a Comment