Samahan mo akong pumitas ng bunga
sa malagong puno ng pag-asa
nawa'y tayo ay makakuha
ng malalaking bunga ng ligaya
kaligayahang ating matatamasa
sa bawat sikat ng araw sa umaga
ligayang magpapalakas sa tuwi-tuwina
ito ang hiwaga ng bunga ng pag-asa
kalungkutan ay mapaparam
kung iyong matitikman
ang pinitas na bunga ng kaligayahan
na tanging sa puno ng pag-asa makakamtan
kakaibang sarap sa iyong labi
pambihirang tamis na mag-iiwan ng ngiti
sana nga ay mayroong binhi
ang puno ng pag-asa na aking tinatangi
► About the author: The Psalmist is a designer/technical artist for a printing company in Doha, Qatar. He writes poems and poetries via his blog Unnamed Psalmist. Sumusulat din siya sa Tagalog ng mga maiikling kwento, tula, at sanaysay. Mababasa ninyo siya sa blog na Mga Kathang Isip ni Kiko. Truly a lover of the arts, he also publishes two other blogs centered on music: The Psalmist Sings and iLoveThi’Song™. He is now a regular columnist for TKJ.
About the artwork: The Psalmist drew this accompanying graphics in pencil and Photoshop. It profoundly explains: it symbolizes the fruit of happiness that can only be found in the tree of hope.
3 Reactions:
Wala bang LIKE na button dito? Consider it LIKEd hehe! Galing ng bagong makata! hehe! very inspiring.
Salamat Noel!
Ikaw pala si Psalmist, haha! kakalito.
Post a Comment